Paglisan

Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Walang labis, walang kulang.

Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkag na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?

Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Sa kaloob-looban,
Sa kasuluk-sulukan,
Nais kong mabatid
Ang lahat ng iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako
sa iyong paglisan.

—–
Isa ito sa sa mga pinaka-tagos-hanggang-buto tulang nabasa ko. Ito ay sinulat ni Joi Barrios at ginamit sa pelikulang ‘Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa’.

This entry was posted in Cinemalaya, movies. Bookmark the permalink.

15 Responses to Paglisan

  1. Nyel Oyek says:

    I agree, it was a gorgeous film and this poem is truly unsettling — hindi yata ako makakatulog without the full copy. Thanks for this. Will re-post the poem and acknowledge your blog.🙂

  2. I am glad that more movies are making sense.

  3. Sonia says:

    i like the theme C. good choice.

  4. Atticus says:

    aray ko! ang sakit naman ng tula na iyan.

  5. raft3r says:

    i (literally) thought humahanap sya ng bukol sa katawan
    hehe
    sorry

  6. misslampa says:

    OMG, I’ve been looking for this since I saw the film! Could I repost, too? I’ll link my post to your site, I promise!

  7. Pingback: Reflections after Watching “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” | Slathered in Sunscreen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s