Cinemalaya 2010

Tapos na ang Cinemalaya. Hindi ako natuwa. Sa sampung pelikulang napanood ko, isa lang ang nag-standout at tatlo ang pwede na. Ang natitirang anim ay mga walang kwenta.

Di katulad ng mga nakalipas na taon na maraming magaganda. Andun ang 100, Jay, Boses, at Concerto noong 2008. At sa nakalipas na taon andun ang Dinig Sana Kita, Last Supper No 3., Ang Panggagahasa Kay Fe, Colorum, Mangatyanan at Sanglaan.

Bibigyan ko pa rin ng quickie reviews ang sampu. Eto na.

Sampaguita, National Flower. Pelikula ni Francis Xavier Pasion, direktor ng Jay. Kwento ito ng mga batang nagpipitas ng mga sampaguita sa madaling araw at ang mga nagbebenta nito sa mga lansangan. Tagos sa puso ang pelikula. Parang documentary ang dating. Ang galing ng musical score ni Paolo Tirol. Pinabagal at ginawang melancholic ang melody ng Lupang Hinirang. Astig. (5/5)

Donor. Pelikula ni Mark Meily, direktor ng Crying Ladies. Kwento ito tungkol sa isang babaeng napilitang magpakasal sa isang banyaga para mabenta ang isa sa kanyang mga atay upang makapag-trabaho sa Dubai. Honggaling lang nila Meryll Soriano at Baron Geisler sa pelikula. Honggaling din ng ending. Napa-wtf ako. (4/5)

Limbunan. Ito ay isang pelikula tungkol sa isang dalagang Maguindanaoan na ikakasal na sa isang lalaking pinili ng kanyang ama para maging asawa. Pinapakita sa pelikula ang ritual ng Maguindanaoans bago ikasal ang isang babae. Tahimik ang pelikula. Tinulugan nga ng kasama ko pero pinagtyagaan ko. Astig ng cinematography. Standout si Tetchie Agbayani, na syang gumanap na tiyahin ng ikakasal. (3.5/5)

Vox Populi. Pelikula ni Dennis Marasigan, direktor ng Sa North Diversion Road. Tungkol ito sa huling araw ng pangangampanya ng isang babaeng tumatakbo bilang alkalde. Si Irma Adlawan ang gumanap. Ang galing lang. (3.5/5)

Halaw. Ito ang nanalong Best Picture sa taong ito. HIndi ako na-impress. Parang bitin ang ending. Tungkol ito sa mga kababayan natin sa Sulu na tinatawid ang karagatan at illegal na pinapasok ang Malaysia. May mga scenes na sobrang ganda. Standout dito si John Arcilla. (3/5)

Rekrut. Hango daw ito sa totoong pangyayari. Ito ay tungkol sa isang grupo ng kalalakihan na sumailalim sa isang pagsasanay para maging sundalo. Masyadong madaming repetitive na eksena. Ang ibang mga kuha ay parang amatuer video. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ito nagustuhan ng nakararami. (2/5)

Pink Halo Halo. Tungkol ito sa isang batang mahilig sa pink halo-halo, makipaglaro ng baril-barilan, at manggaya ng babaeng naglalagay ng make-up. Ito ay kwento ng isang batang nawalan ng ama dahil sa bakbkan ng mga rebelde at ng mga sundalo. Pangit ang pelikula. Boring. (2/5)

Two Funerals. Pelikula ni Gil Portes. Kwento tungkol sa nagkapalit na bangkay. May mga nakakatawang eksena pero sa pangkalahatan, so-so lang. Natuwa lang ako at nakita ko si Princess Manzano ng PBB sa personal. Maganda. Kasama pala sya sa pelikula. Siya ang gumanap sa isa sa mga bangkay. (2/5)

The Leaving. Natuwa ako sa pelikula. Hindi dahil maganda ang pagkakagawa pero dahil sigaw ng sigaw ang mga manonood sa mga kunyaring nakakatakot na mga eksena. Biruin mo, madilim lang ang screen, nagsigawan na. Amp. (1.5/5)

Si Techie, Si Teknoboy, at si Juana B. Noong 2008, pinanood ko ang My Fake American Accent dahil maganda ang pamagat. Naka-iintriga. Pero sobrang pangit ng pelikula. Ngayong taon, di pa rin ako natuto. Bumili ng tiket ng pelikula dahil maganda ang pamagat. Napaka-walang kwenta pala. Nagtataka nga ako kung bakit naging finalist ng Cinemalaya. Lasing ata ang selection committeenung pumili ng sampung storya na bibigyan ng grant. (0.05/5)

This entry was posted in movies. Bookmark the permalink.

10 Responses to Cinemalaya 2010

  1. Para ngang hindi masyadong matunog ang Cinemalaya ngayon. Gusto kong panoorin ‘yung DONOR.

  2. gillboard says:

    di naman maganda yung title ng huli. di pa rin ako nakapanuod ng cinemalaya. hayst.

  3. SOnia says:

    hahaha on the funerals and The leaving critiques, C. Welcome back. :-p

  4. raft3r says:

    may bayad ba yan o free admission?

  5. Andy says:

    Unti lang din napanood ko: Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, Sampaguita, at Halaw. Sa tatlo, Halaw ang paborito ko at nasiyahan naman ako na ito ang piniling best picture ng jury.

    Sa labas ng kompetisyon napanood ko Himpapawid, Muli, at Ambisyon 2010. Drama ang Muli pero comedy ang kinalabasan nito. Ibang klase.

    • the scud says:

      Di mo nagustuhan ang Sampaguita? Bitin ang Halaw for me. Parehos lang ang beginnig at end.
      At bakit pala naging comedy ang Muli? Walang kwenta?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s