Tatlumpung Halu-Halong Katotohanan

1 – bilang ng aking kapatid
2 – si Martina Hingis ang aking una at huling pag-ibig
3 – bilang ng mga Facebook contactsna di ko pa namimit sa personal. Bloggers sila.
4 – suplado ako sa totoong buhay
5 – Kinder 1. Tumae sa aking shorts at tinulungan maglinis ni teacher. Si teacher ay ka-facebook ko na ngayon. Sana nabura na iyon sa kanyang isipan.
6 – edad ko nung mag-dive sa swimming pool na walang tubig
7 – di ako naniniwala sa ligawan
8 – sinabihan ako ng Physics professor ko sa kolehiyo ng “good riddance”. Kasi naman napikon ata sa pambabara ko sa mga lectures niya.
9 – di pa ako nakakain ng balut
10 – dalawang beses na akong na-operahan
11 – edad nung nagpatuli ako. na-trauma sa sobrang sakit dahil expired na ang ginamit na anesthesia. Nagbalak maging abogado para ihabla si doktor. Hindi rin natuloy dahil sabi ni mama sinungaling daw ang mga abogado.
12 – bilang ng mga pinsang buo sa father’s side
13 – nandidiri ako sa lasa ng mayonnaise
14 – na-adik sa kantang “25 Minutes” ng Michael Learns to Rock nung hayskul
15 – parati akong may suot na baller ID tuwing Biyernes at weekends
16 – bilang ng mga pinsang buo sa mother’s side
17 – pinagkamalang telephone number ng FM radio station ang telepono sa bahay. Minsan na-bad trip ako sa napakadaming maling tawag. Nagpanggap ako na DJ at nakiki-usyoso sa love life ng tumatawag. Parang si Papa Jack lang. Tumatawa na lang si caller at binabagksan ako ng telepono.
18 – napagkamalang call boy habang nag-aantay ng taxi sa kadiliman malapit sa Ayala Center
19 – mahilig mag binge-drink sa kolehiyo na di naghahapunan; dahil dyan na-ospital ako ng mas madami pa sa isang beses
20 – nagkaroon ako ng stalker nung college; sabi pa nya meron daw akong “bedroom voice”. Di ako kumagat.
21allergic ako sa house dust kaya bawal sa akin maglinis ng bahay. Pero dahil walang katulong sa bahay napipilitan ako maglinis. Sigurado pagkatapos aatake si mild asthma.
22 – pumasa sa board exams at nagtrabaho sa Laguna. Pinagsabihang “living in the boondocks” ng kaibigan ng pinsan kaya di kalaunan ako ay nag-resign at nagtrabaho sa Makati.
23 – Nagbabalak lisanin ang Manila for good
24 – wala akong best friend
25 – nakipagsuntukan sa kapitbahay namin habang bumubuhos ang ulan. Salbahe kasi ang gago.
26 – minsan nagising ako ng madaling araw dahil naiihi ako. Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko sina housematesna may ginagawang milagro sa salas. Dumirecho ako sa kubeta, umihi, nagmumog, at bumalik sa aking silid. Di ko na inalam kung tinuloy ni babae ang pagsakay sa kabayo.
27 – nasubukang mag-palobo ng lobo habang gamit ang ilong sa kasal ng isang opismate. May video pa ito. Pero wala sa YouTube.
28I burn bridges.
29– Lately ko lang nalaman na magkaiba ang kahulugan ng bukid at bundok sa Tagalog
30 – edad ko simula ngayon.😀

This entry was posted in personal. Bookmark the permalink.

15 Responses to Tatlumpung Halu-Halong Katotohanan

  1. Haberdey! Sa March next year pa ko mag-trenta. Kumusta naman ‘yun? Medyo madami-dami ata ang ni-reveal mo ngayon tungkol sa sarili mo. LOL

  2. Skron says:

    Happy Birthday, Dude. Have fun getting old!

  3. gillboard says:

    Happy birthday Scud!!!

    Wala ka nang sikreto samin. hehehe

  4. Atticus says:

    uy, kasama ako sa 3?
    tawa ako nang tawa sa 11. hahaha!
    what’s with the taste of mayo that you don’t like? (ako pansit miki. nasusuka ako).

  5. len says:

    Sarap basahin nito. Isa rin ba ako sa nasa number 3? :p
    Natawa ako sa number 17. It happened to me, too. Napagkamalang number ng pizza parlor ang old cell number ko, several times.

    Happy Birthday, Scud! :p

  6. ewok1993 says:

    Happy Birthday, painom ka naman.

    Heto reaction ko:

    #2: kasinungalingan –🙂
    #9: OMG, babatukan kita jan eh.
    #18: Grinning like crazy
    #23: Wow, adventure!
    #24: Tapik sa balikat – man you need a best pal.

  7. Andy says:

    Buti ka pa 30 lang. Ako 33 na. Feeling ko tuloy ang tanders-tanders ko na. Haha

  8. SOnia says:

    wow ha, call boy. I didn’t know you had it in you, C. hehe. Wow, tagalog.🙂

    Haha, super fun ang entry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s