Shattered

Yan ang status ng isang kaibigan sa YM. Tinanong ko siya kung ano ang kuwento sa likod ng YM status. Sabi niya masaya naman siya ngayon sa piling ng bf niya. Pero nung nalaman niya na ikakasal na si ex ay hindi na siya mapalagay. Shattered nga daw nararamdaman niya.

Ang sabi ko ganyan ata talaga pag nalaman mo na nakamove-on na si ex at masaya na sa kanyang buhay na wala ka sa eksena. Lalung-lalo na siguro pag ikakasal o ikinasal na siya dahil ito na marahil ang pinaka-proof sa kasiyahan niya.

Ang sabi ko pa “maybe at the back of your mind you want your ex to wallow in self-pity habang ikaw nagpapakasaya sa buhay mo”. Natawa siya. May konting katotohanan naman daw ang sinabi ko.

Naalala ko tuloy ang isa pang kaibigan. Habang hinahatid ko siya sa kanyang apartment lulan ng isang taxi naikwento niya na nakita niya minsan pics ni ex sa isang social networking site. Hindi lang ordinaryong pics ang nakita niya. Wedding pics. Di daw siya mapakali. Nataranta pa nga at tinawagan ang isang kaibigan para ikwento ang nadiskubre.

Naisip ko ganyan ba talaga pag naunang ikasal o kinasal ang mga ex? Di ako maka-relate dahil sa pagkakaalam ko di pa kinakasal ang nag-iisa kong ex. At di ko na tinitingnan ang social networking account niya. Nakapag move-on na ako. At siya din. Naka-dalawa at tatlong SO ba naman after kami nag-break.

Naisip ko din. Pag nag-break ba ang mag-SO ay yun na ang simula ng paligsahan kung sino ang unang maka-getover? Sino ang unang makahanap ng kapalit? Sino ang unang ikasal? Sino ang unang magkaanak?

Ang buhay post-break-up ba ay isang paligsahan kung sino ang mas maligaya?

This entry was posted in personal. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s