Masarap, Masikip, Mahapdi

Titulo yan ng isang pelikula. Pito-pito. Pinalabas noong 1998 na pinagbibidahan nina Rita Magdalena, Hazel Espinosa, Rita Avila, at Jaclyn Jose. Gustong-gusto kong mapanood ang pelikula dahil sa titulo. Astig. AT dahil sina Rita at Hazel ang bida siyempre merong mga R18 scenes.

Bakit kaya noon ang lulupit ng mga titulo ng mga pelikula. Mapapansin mo na pinag-isipan.

Paborito ko ang mga one-word titles tulad ng Karnal, Insiang, Brutal, Moral, Itim, Himala, Bona, Jaguar, Banaue, Salome, Relasyon, Wating, Eskapo, Segurista, Malvarosa, Badjao, Igorota, Zamboanga. Ayos din naman ang Itlog, Talong, Patigasan, Baliktaran, Garapal, Onsehan, Prosti, Xerex, Laman. Hindi lang maayos ang pagkakagawa.

Dati pa mahilig na din ang mga Pinoy filmmakers ng mga mahahabang titles. Ang Sawa sa Lumang Simboryo. Tinimbang Ka Ngunit Kulang. Bayan Ko: Kapit sa Patalim. Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo. Ang Daigdig ng mga Api. Maynila, sa Kuko ng mga Liwanag. Kung Mangarap Ka’t Magising. Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak. Sa Pusod ng Dagat. Tatlong Taong Walang Diyos. Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi. Hubad sa Ilalim ng Buwan. Ang Babae sa Bubungang Lata.

Meron din mga two to three-word titles. Pagdating sa Dulo. Hinugot sa Langit. Kakabaka Ka Ba? Nunal sa Tubig. Anak-Dalita. Oro, Plata, Mata. Rubia Servios. Sister Stella L. Luksong Tinik. Laro sa Baga.

Sa mga nakalipas na mga taon ang papangit na ng mga titulo. Halos lahat halaw sa mga kanta. You Changed my Life. Till I Met You. Till There Was You. Let the Love Begin. When Love Begins. Don’t Give Up On Us. Can This Be Love. Now That I Have You. Close to You.

Pero meron din naman na maayos ang titles. Melancholia. Jay. Sigaw. Feng Shui. Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Jologs. Sabel. Ploning. Kasal, Kasali, Kasalo. Endo. Ligaw Liham. Pisay. Ranchero. Tulad ng Dati. Saan Nagtatago si Happiness?

Sana magkakaroon ulit ng mga titles na kahit nasa wikang Ingles ay ayos naman. Private Show. Broken Marriage. Scorpio Nights. Crying Ladies. Temptation Island. Burlesk Queen.

Sa ngayon ang pagtiyagaan muna natin ang mga titulong galing sa mainstream. My Best Friend’s Girlfriend. One Night Only. I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You). I Will Always Love You.

Advertisements
This entry was posted in movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s