Paalam Na

Last day ko kanina sa team ko. Parang wala lang. Nag-email ang kliyente namin. Nagpasalamat. Pati engagement manager namin. At ang account manager ko dito sa Pinas. At ang team lead ko na Kano.

Nilibre ako at si Paul ng mga teammates namin ng lunch. Pa-despedida nila.

Pagbalik namin sa opisina niyakap ako ng isang kasamahan. Mamimiss daw nya ako. Di ako sumagot. Tumawa lang. Naiilang kasi ako sa ganyang mga bagay. I’d rather do those things privately. Yung walang nakakakita. Walang nagmamasid. Kami lang. At ang bubong. O ang mga bituin sa langit.

Pilit din niyang pinapaamin na mahal ko si Ms Melamine na wala naman talaga akong nararamdaman. Flirting lang ang pinaggagawa ko sa loob ng dalawang taon. Ayos kasi yung merong flirting sa opis. Nakaka-relieve ng stress.

Pero ng patapos na ang opis hours at sinimulan ko na ang pagsagot sa mga farewell emails muntikan na akong maiyak. Mahal na mahal ko kasi ang work ko sa account na yun at ang mga kasamahan ko.

Parati kaming masaya. Minsan lang ang pressure. Maluwag sa deadlines. Basta I had the best of both worlds.

Pero kailangan ko magsakripisyo. Sabi nga ng isang kasamahan sa ibang account “sacrificial lamb” daw kami. No big deal naisip ko.

Sana lang may mabuting maidudulot ito sa career ko. Suntok kasi ito sa buwan.

This entry was posted in personal. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s