Scud’s Travels: Legazpi City

Madaling araw pa lang gising na kami. Day 2 na ng Bicol Trip. Pupunta kami ng Legazpi City kung saan makikita ang Bulkang Mayon. Siyempre nag-almusal muna kami bago bumiyahe papuntang Legazpi. Sa Biggs. Isa itong fast-food joint “endemic” sa Bicol. Inorder ko ang Grand Slam Breakfast na nagkakahalaga ng P79. Kasama na dito ang isang hashbrown, dalawang hotdog, 1 pritong itlog, kanin, at kape. Dahil di ako mahilig sa kape binigay ko ito sa ka-opisina ko at nag additional order na lang ng hot choco. Peyborit ko yan sa umaga. Lalo na ang hot choco ng McDonald’s.

Ang mga makalumang kagamitan na nasa litrato sa taas ay kuha ko din sa Biggs. May raketa ng tennis na gawa pa sa kahoy, radyo, telepono, miniature na kotse, at iba pa. Meron din silang sirang juke box. Nagpakuha ako ng litrato pero di ko ilalagay dito. Di ko kasi matanggal ang sarili ko sa pamamagitan ng Photoshop.

Halos dalawang oras ang biyahe papuntang Legazpi galing ng Naga. Di ko napansin ang oras kasi tulog ako. Pinichuran pa nga ako ni Ms Melamine na tulog. Nakabukas ang bibig. Minus pogi points. Buti na lang walang laway na tumulo. Nabawi ko rin ang nawalang pogi points. Hehe…

Ang unang lugar na pinuntahan namin ay ang Lingñon Hill Nature Park. Ang naunang litrato ng Bulkang Mayon ay kuha ko dun. Nakakainis lang kasi tinatakpan ng mga pesteng ulap ang tuktok ng bulkan.

Ang kuha ko sa taas ay mga palayan (rice fields) sa paanan ng Mayon. Ang ganda tingnan nito. The picture above doesn’t do justice to those rice fields. Di ko makunan ng panoramic view. Wala pa kasi akong lente para sa camera ko. Ang mahal. P15000 daw sa Hidalgo. At din rin ako marunong mag-stitch. 😦

Sinubukan din namin ang ZippedLine. P200 ang bayad sa isa katao. Buy 5 Take 1. Masaya. Exhilerating. Pero ang bilis lang. Sabi meron daw mas mahaba nito sa Subic. Makapunta nga.

Pagkatapos mag ZippedLine. Naglakad na kami pababa. Mahabang lakaran. Steep. Bago pa kami dumating sa exit nakita namin ang billboard na yan. Pinuntahan namun. At sumunod ang isa sa mga tour guides na nakatambay sa may exit.

Ang kuwento niya ang tunnel na pinasukan namin ay ginawa ng mga Hapon noong WWII. Patapos na daw ang giyera noon. Binobomba na ng mga Kano ang mga Hapon. May mga kagamitan pa na naiwan dito ang mga Hapon at di na nila ginalaw.

Ang sabi pa ng tour guide isa lang sa apat na tunnel sa Lingñon Hill ang pinasukan namin. Pero bawal puntahan ang tatlo dahil lubog sa tubig. Hindi ko lang naitanong kung dati pa bang lubog sa tubig ang mga tunnel or dahil lang sa mga bagyo na dumaan ng Bicol.

Nag-offer pa ang tour guide na pwede kami mag Lava Watching. P750 ang bayad. Sasakay ng ATV at pupunta sa Mayon para makita ang lava. Gusto ko sana kaso ayaw ng mga kasamahan ko. Medyo pricey kasi at meron pa kaming ibang pupuntahan na lugar. Sa susunod na lang siguro pag nakabalik ako ng Legazpi.

Pagkatapos ng Lingñon Hill, nagpunta kami sa isang mall para mag-lunch sa Colonial Grill. Umorder kami ng mga pagkaing sikat sa Bicol. Ang sarap. For dessert, kumain kami ng Sili Ice Cream for P79. Isa lang ang inorder namin para sa lahat. Tumikim lang yung iba at ayaw na. Ako ang umubos. Creamy ang ice cream. At hindi sya gaano ka-anghang. Mild lang.

Pagkatapos ng lunch, bumili na kami ng mga pasalubong. Nakabili ako ng 2 shirts. Tapos halos kalahating oras namin hinanap ang Albay Pilinut Candy. Ang sabi kasi ni Ms Melamine masarap daw ang mga pili nila dito. Tama nga siya. Ang maganda pa sa APC ay pwede ka mag taste test ng mga produkto nila. Mas mahal nga lang sa mga ordinaryong pili products.

Ang coaster sa taas ang ni-renta namin papuntang Legazpi. P3500 kasama na ang gas. Isipin nyo na lang 8 lang kami na nakasakay sa coaster. Ang luwag. Pwede kang humiga sa mga upuan. Kaya tulog ako papuntang Legazpi at pabalik ng Naga.

Ang last stop namin ay ang Cagsawa Ruins. Ang lapit na ng Mayon. Pero nagtago pa rin ang tuktok. Gusto ko sana magbasa ng history ng Mayon. Kung kelan ito na-form at ang mga nakatalang pagputok ng bulkan.

Ang tablet sa taas ay kuha ko sa Cagsawa Church Bell Tower. Sabi ng isang kasamahan namin na Bicolano, puwede daw pumasok sa bell tower. Pero nanghinayang kami kasi sinarado na pala ang entrance sa gilid. Ang baho na daw kasi. Ng ihi ng mga tao. Ang Pinoy talaga. Kung saan-saan na lang nagpaparaos.

Ilang minuto bago kami aalis ng Cagsawa nagpakita ang tuktok. Wala na mga kasama ko. Sumakay na sa coaster. Ang iba bumili pa ng mga kung anu-ano sa mga tindahang nakapaligid sa Cagsawa.

Tuwang-tuwa ako. Pinichuran ko kaagad. Sayang lang at wala ng puwede magpichur sa akin. Solo pic. Pang friendster sana yun. Or facebook.

Pero di rin kami nakaalis kaagad. Nasira ang coaster. Wala akong alam sa mga sira ng kotse. Ang alam ko lang dahil daw ito sa baterya. Nagtulungan ang mga lalaki magtulak. Tumulong din ang ibang mga tambay. Hulaan nyo na lang kung saan ako diyan.

Naayos din naman kaagad ang sira. Mga kalahating oras din kaming nag-antay. At umalis na kami papuntang Naga para mag wakeboarding ulit. Adik kasi ang mga kasama naming babae. Gustong-gusto mag wakeboard.

****

MGA PAHABOL NA PICTURES

Kuha ko nung pauwi na kami kaumagahan – February 16. Ang kapal ng fog sa CWC. Tulog pa ang mga tao. Parang ghost town. Parang pelikula na anytime lalabas na si Loch Ness o mga dinosaur.

Mga containers na ginawang bahay-tulugan. Ito ang first choice namin pero fully booked na. Ang cool sana tumira sa mga containers. Same price lang ata ito sa cabanas na tinirhan namin.

Kuha ko sa Naga Airport bago ako sumakay ng eroplano. Sabi ng kasama namin Mt. Iriga daw ang bundok. Sa likod nito ang Mt. Mayon. Titigan niyo ng mabuti. Nakatago na naman sa mga ulap.

Sa susunod na taon gusto ko pumunta dito. Caramoan. Ang ganda. Heaven on Earth. Kuha ko ang poster na yan sa reception ng CWC.

Advertisements
This entry was posted in travel. Bookmark the permalink.

One Response to Scud’s Travels: Legazpi City

  1. hi !!
    i love bicoL. ..
    coz` i lie here. ..
    hHehHe. ..
    i am proud to be bicolana…
    visit s here… and you will see the beauties and creations of Gid…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s