Inuman Session

inuman na!

yan usually ang ym message ng kaibigan kong si fish. matagal-tagal na rin akong di nalasing o in a much milder form “nakainom”. ang huling inuman session ko ay tatlong linggo na ang nakararaan. vodka at tequila. walang epek. hindi man lang ako nahilo.

ang pinakahuling pagkakataon na nalasing ako ay noong 2005. sa vigan. holy week. nag-inuman sa tabing-dagat ng tanghali. tanduay at ginebra. after ng inuman naligo sandali. tapos naupo sa gitna ng daanan ng mga tao. humiga. napapikit. di ko namalayan nakatulog na pala ako. ilang oras din yun kasi paggising ko konti na lang ang tao at unti-unti ng dumidilim.

sa totoo lang never ako uminom nung hayskul. ulirang anak, kapatid, pinsan, at estudyante kasi. nung tumungtong ako ng kolehiyo saka ako natutong uminom. minsan sa isang inuman session dalawang case ng budweisser beer ang naubos namin. at ilang kaha ng sigarilyo. kinabukasan papasok ako sa klase na may hangover at amoy yosi. pero naging mabuti naman akog mag-aaral. di ako umiinom pag may eksam kinabukasan.

dati pa alam ko na kung ano ang priorities ko. at di ako nagyoyosi kung walang inuman. ang tawag ata nila dito ay social smoker. masaya ang inuman. kasama na kasi dito ang kwentuhan, tawanan, asaran.

sabi ng isa pang kaibigan nagiging “shameless flirt” daw ako pag nakainom. mahiyain kasi talaga ako sa mga bagay tungkol sa puso. sabihin niyo na sigurong torpe. totoo naman. slight nga lang.

naalala ko nun nag-inuman kami ng mga kaopisina. sabi ng TL ko sa isang female teammate “gumaganda ka sa dalawang bote(ng nainom ko)”. classic.

maraming nagaganap sa inuman. maraming nangyayari. maraming nabibisto.

sana sa biyernes may inuman. ika nga ng isang ka-opisina pag nagyaya “one for the road naman tayo!”.

This entry was posted in personal. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s