Nightmare at a Laundry Shop

My favorite black/white striped shirt is gone. The culprit? Ang lintek na laundry shop kung saan ako nagpapalaba for the past 3 years. Namisplace daw nila at di na makita kung saan. Baka daw nalagay sa laundry ng ibang tao at di na binalik. Dobleng lintek.

Ilang beses na akong na-bad trip sa kanila.

Una, halos lahat ng mga white undershirts ko nagka-mantsa. Ang iba hindi na kulay puti. Dirty white na. Dahil sa mabait akong tao (haha) hindi na ako nag-reklamo at bumili na lang ng bagong set of undershirts. Ganun din ang nangyari. Nagka-mantsa at dirty white na ang kulay. Pinagalitan ko ang babaeng nagbabantay sa shop. Napilitan akong maglaba ng lahat ng damit kong kulay puti.

Pangalawa, hindi nabanlaw ng maayos ang ilang damit ko. Kitang-kita na nakakapit pa rin ang detergent sa damit. Bumalik ako at pinagsabihan ang nagbantay.

Pangatlo, half ng pair ng white socks ko nawala. Puma pa naman ang brand ng socks. At madalang lang ako bumili ng socks na branded. Di naman nakikita. Bad trip na naman.

Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, nag desisyon akong lumipat ng laundry shop pero hindi nagtagal at bumalik din ako sa dati. Ang rason? Masyadong malayo ang nilipatan kong laundry shop. Mas ayos dun sa dati. Lalabas ka lang ng compound at andun na ang shop.

Pero nagpatuloy pa rin ang kapalpakan nila.

Pangapat, kukunin ko yung laundry dala-dala ang tatlong 100 peso bills. Inabot sa nagbantay. Tinignan ako at sinabing wala daw syang panukli. Ano naman ang gagawin ko dyan sabi ko. Natakot at nagpabarya na lang sa katabing shop

Pang-lima, sabi bukas na sila ng 8:00-8:30am. 8:45am andun na ako sa shop. kailangan kong kunin ang laundry dahil wala na akong damit na gagamitin sa gym. 9:00am wala pa ang magbabantay. 9:30am na dumating. pagkabukas pumasok kaagad ako. sabay bigay ng claim receipt at bayad. tinignan ng magbabantay ang dala kong pera. wala daw syang panukli. bad trip na ako. gusto kong suntukin ung tao sa inis. lumabas na lang ako at nagpabarya.

Pang-anim. Nakalagay sa claim receipt pwede ko na kunin ang laundry ng martes. miyerkules pumunta ako. laking gulat ko na lang na wala pa daw ung laundry ko. isasalang pa daw nila sa washing machine.

Pang-pito. Ito na. Namisplace nila ang isa sa mga paboritong office shirts ko. Babayaran na lang nila ako ng 300-400 pesos para sa damit.

Ganyan sila ka incompetent. Pero sa Sabado sa kanila pa rin ako magpapalaba. Wala na akong choice.

This entry was posted in personal. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s