melancholia

nanalo na naman ang pinakabagong pelikula ni lav diaz sa venice film festival. ang titulo ng pelikula ay melancholia. ayon sa nabasa ko unanymous decision daw ng mga jurors. hindi na sila nag-deliberate. nabasa ko rin na dapat isali ito sa main competition ng festival pero kailangan i-trim down ito sa apat na oras. di pumayag si lav. hulaan nya kung ilang oras ang pelikula. walo! ang lupit. sasali daw ito sa main competition ng cinemanila international film festival na gaganapin sa susunod na buwan. baka itatanghal ulit ang festival sa gateway sa cubao. excited na ako. susubukang panoorin ang obra ni lav diaz. iniisip ko pa kung mag VL or nag SL na lng. haha.

ipinalabas din pala sa venice film festival ang jay. si francis pasion ang nag-direk nito. big-hit at best film sa cinemalaya this year. sayang at di ito nanalo ng award sa venice. pero ayos na rin. napanood ko ito sa cinemalaya pati na rin ang boses, 100, at fake american accent. ang fake american accent lang ang disappointing.

cine-europa pala ngayon sa shangri-la. libre ang ticket. manonood ako sa sabado ng after the wedding. mag-isa.

Advertisements
This entry was posted in movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s